2023 Kalayaan Job Fair sa Legazpi City, malaking tulong na mabawasan ang unemployment rate sa Bicol Region

LEGAZPI CITY – Naniniwala ang Public Employment Service Office (PESO) Legazpi na ang isinasagawang 2023 Kalayaan Job Fair sa lungsod ay malaking tulong upang mabawasan ang unemployment rate sa Bicol Region.

Ayon kay PESO Legazpi Manager Diosdado Rañeses, sa pamamagitan ng job fair, marami ang matatanggap sa trabaho dahil marami silang mapagpipilian.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Hindi na rin mahihirapan pa ang mga job seekers na maghanap ng trabaho dahil maraming kompanya ang nakilahok sa aktibidad.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Tiwala ang tanggapan sa bilang na 15,000 job vacansies, kung saan 50% umano ang maaaring matanggap sa trabaho. Sinabi ni Rañeses, sakali mang hindi tugma ang kanilang ina-applyang trabaho ay walang dapat ikabahala dahil nariyan ang TESDA na tutulong o sasagot sa paghahanap ng trabaho.