LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi naman gaanong mapaminsala ang lava flow na namamataan sa Bulkang Mayon nito lamang mga nagdaang araw.
Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, “less violent” ang magma na lumalabas mula sa bunganga ng bulkan at dumadausdos pababa.
Aniya, ang Bulkang Mayon ay nagkaroon ng effusive eruption o ang medyo mabagal na paglabas ng magma sa bulkan.
Sinabi rin ni Bacolcol, ang lava flow na namamataan mula sa summit crater nito ay umabot na sa 500 meters pababa.
Paulit-ulit naman na pinapayuhan ni APSEMO Research Division Chief Eugene Escobar na huwag papasok sa 6 kilometer permanent danger zone upang makaiwas sa mga hindi inaasahang pangyayari lalo na’t ang bulkan ay patuloy na nagpapakita ng abnormalidad sa mga nagdaang araw hanggang sa kasalukuyan.