Turista patay matapos malunod sa Masbate

Dahil sa isang pares ng tsinelas na inanod ng alon, patay ang isang 61-anyos na turista makaraang malunod sa Tinalisayan Islet, Brgy Busing, San Pascual, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Apolinar Cruz Vicente, may asawa, mangingisda at residente ng Atlag, Malolos, Bulacan.

Ayon sa salaysay ng asawa ng biktima, matapos nilang mag-island hopping ay naglakad-lakad sila sa baybayin, inanod umano ang isang pares ng tsinelas ng kanyang asawa at tinangka nito na kunin ang tsinelas subalit tinangay ito ng malakas na agos ng tubig at aksidenteng nalunod.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Agad na sinaklolohan ang biktima ng crew ng bangka at iba pang turista at itinakbo sa San Pascual RHU subalit idineklara ng sumuring doktor na ‘dead on arrival’ ito.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Mismong ang tourism employee ng LGU San Pascual ang tumawag sa himpilan ng Pulisya upang iparating ang nangyaring insidente ng pagkalunod.

Tinulungan naman ng San Pascual MPS ang misis ng biktima na maproseso ang mga papeles at dokumento para maiuwi agad ang mga labi ng kanyang asawa.