Task force sagip ng 9th ID Phil. Army handa pang magdagdag ng military trucks at personahe sakaling kailangan pa sa Albay

CAMARINES SUR- Handa ang 9th Infantry Division Philippine Army na magdagdag pa ng mga personaheng bumubuo sa Task Force Sagip sakaling kailanganin pa sa pagpapa evacuate at lumikas na Albay kaugnay ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Division Public Affairs Office (DPAO) Chief Major Franco Roldan matapos ang deployment nila nitong nagdaang araw. Aniya patuloy silang nakaantabay sa kanilang tropa sa lugar.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Tatlong mga battalion na ang tumutulong na may kanikanilang task, kasama na rito ng medical team. Ang mga military trucks naman ay gamit na sa evacuation, relief operation at pag deploy ng pwersa lalo na sa danger zone.