NIA, positibong maaabot ang rice self-sufficiency ng Pinas sa 2028

Kumpiyansa ang National Irrigation Administration na maaabot ng Pilipinas ang target na 97.5% rice self-sufficiency  sa pagsapit ng taong 2028.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon kay NIA acting administrator Eduardo Guillen, patuloy nilang kinukumbinsi ang mga magsasaka na magtanim ng hybrid rice na bagamat matakaw sa tubig at may kamahalan ang produksyon,  kung may sapat namang suporta ang gobyerno tulad ng pamamahagi ng fertilizers ay maeenganyo silang magtanim nito.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Bibigyan rin aniya ng tamang pagsasanay at makinarya ang mga magsasaka para maiproseso ang kanilang mga inaning produkto at mai-alok sa merkado.//CA