Pagbabago sa nilalaman ng inaprubahang MIF bill, maituturing na falsification – Pimentel

Binalaaan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga kapwa senador sa mga ginagawang pagtutuwid sa mga nakita umanong mali sa pinal na kopya ng Maharlika Investment Fund Bill.

Giit ni Pimentel, hindi na dapat binabago ang panukalang batas na pinal nang inaprubahan ng Senado at Kamara katulad ng MIF Bill.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Anuman aniyang pagbabago rito bago ipadala sa Malacanang ay maituturing na falcification.

Pahayag ito ni Pimentel kasunod ng pahayag ni  Senate Majority Leader Joel Villanueva na may ginagawang perfecting amendments sa MIF Bill kaya hindi pa napapadala sa Malacanang para sa lagda ng Pangulo.

Read More:  Online gaming firm endorsed by Ivana Alawi fined P1 million by PAGCOR

Sabi ni Villanueva, nililinis ng Senate secretariat at ng Kamara ang panukala mula sa mga typographical errors.//CA