Rank no. 3 MMWP ng Polangui, Albay arestado dahil sa kasong rape na may kinalaman sa child abuse

LEGAZPI CITY – Inaresto ng mga otoridad ang 40 anyos na lalaki sa Purok 6, Brgy. San Agustin, Libon, Albay dahil sa kasong rape by sexual assault na may kinalaman sa child abuse.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boyet” na mula sa Polangui, Albay.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa nabanggit na kaso.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Student rider dies after motorcycle crash along national highway in Gensan

Samantala, napag-alaman din na ang suspek ay ang tinaguriang Rank No. 3 Municipal Most Wanted Person ng Polangui.

Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.