No Segregation, No Collection Policy ng basura sa buong Olongapo ipapatupad na

Magsisimula nang ipatupad sa buong lungsod ng Olongapo ang No Segregation, No Collection Policy ng mga basura.

Ayon kay Engr. Loreli Ricasa, ang head ng Environmental Sanitationand Management Office, base sa napagkasunduan ay gagawin ang citywide implementation simula sa June 19.

Read More:  Tricycle driver stabbed by minor in Bacolod City

Ibig sabihin, kapag ang hindi nakahiwa-hiwalay ng tama ang basura o kaya ay inilabas sa hindi tamang schedule ay hindi ito hahakutin.

Sa ngayon ay nagsasagawa rin ng Environmental Summit and Waste Analysis and Characterization Study Orientation ang ESMO kasama ang Environment Management Bureau para sa mga baranggay at iba pang ahensya.

Read More:  Fetus found inside female comfort room at Negros Occidental Coliseum

Layon nitong maipaunawa sa lahat ang mga dapat gawin para maayos na maipatupad ang Ecological Solid Waste Management.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO