Mga paaralang lumahok sa early registration, umabot na sa 99.75% – DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 99.75% ang mga paaralang nakilahok sa nagpapatuloy na early registration ng Department of Education (DEPED) sa buong rehiyon ng Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DEPED Regional Spokesperson, Mayflor Jumamil, sinabi nito na pumalo sa 3,933 ang nakapag-sumite ng report sa ahensya sa on-going na early registration mula sa 3,943 na elementary at secondary schools.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Inaasahan din nito na bago magtapos ang buwan ng Hunyo, makakapag-submit na ang mga paaralang hindi kasama sa bilang.

Sa ngayon kasi nasa 203,128 ang nakapagrehistro na sa Kindergarten, Grade 1, 7 at Grade 11 at malayo pa umano ito sa kanilang target na mahigit kalahating milyon.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Hinihikayat naman ni Jumamil ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak sa paaralan upang malaman ang kabuuhang bilang ng mga mag-aaral ngayong school year.