Tulong ng mga tanod kontra colorum na tricycle sa Olongapo, hihilingin ng OTMPS

Hihingi ng tulong sa mga barangay ang Traffic Management and Public Safety Office ng Olongapo.

Ito ay para madagdagan ang puwersa sa panghuhuli ng mga namamasada ng walang prangkisa o mga colorum na tricycle sa lungsod.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Ayon kay OTMPS Chief Maj.Camilo Pablo, sa mga pangunahing kalsada lang nagroronda ang mga tauhan pero iniiwasan nang pasukin ang mga barangay roads dahil baka saktan ng mga violators ang mga traffic enforcer.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Dahil dito, planong isalang ng OTMPS sa seminar for deputization ang mga tanod para asahang manghuli ng mga colorum sa mga nasasakupang barangay.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO