Lalaki, nakitang patay at palutang-lutang sa ilog ng Puerto Princesa

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkamatay ng isang lalaki na nakitang palutang-lutang sa ilog ng Purok Duongan, Brgy. Irawan, Puerto Princesa City.

Ayon sa Police Station 2, nakita ito ng concerned citizen na si Jessica Hamora bandang alas-kwatro nitong Linggo, May 21.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Kalaunan ay kinilala ito sa pangalang “Ardy Casuncad Tañeza”.

Nagtulong-tulong umano ang mga barangay tanod na iangat ang katawan ng lalaki mula sa tubig.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Gayunman, walang nakitang mga sugat sa katawan nito.

Samantala, hindi na naglabas ng iba pang mga detalye ang pulisya tungkol sa insidente.