2 bahay nasunog sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Natupok ng apoy ang dalawang bahay sa Goa, Camarines Sur.

Sa report ng Bureau of Fire Protection nangyari ito bandang alas- 11 ng umaga kahapon Mayo 19, 2023 sa Sitio, Laog, Brgy. Buyo.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Ang bahay ay pagmamay-ari  ng mag asawang Maricel at Jojie Cuevillas, nadamay din ang katabing bahay ni Jose Doroin.

Ayon kay FO1 Reymark Ibarreta ,nakapagresponde naman sila kaagad pero mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang bahay. Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog. Wala namang nasugatan sa pangyayari.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Pinag-iingat ng BFP ang publiko upang makaiwas sa sunog tulad ng pagbabantay sa linuluto, naka unplug ang mga gamit kung aaalis ng bahay at iwasan ang octopus wirings.