Mga pinto na gawa sa Ipil, naharang sa PNP checkpoint sa Puerto Princesa; 2 arestado

Arestado ang dalawang ka-tao matapos na mahuli sa kanilang sasakyan ang mga Ipil lumbers nitong Huwebes, May 18 sa Sitio Tagumpay, Brgy. Inagawan-sub, Puerto Princesa City.

Ang mga hinuli ng pulis ay sina JESSIEPPHER FRESNILLO y CONDEZ (driver), 27 anyos at si ANTHONY TABANGAY JR. y DAGOT, 48 anyos, isang furniture maker at residente ng bgy. Magbabadil, Aborlan, Palawan.

Read More:  Classes suspended at Negros school after shooting threat spreads online

Ayon sa Police Station 2, naharang ang sasakyan ng mga suspek sa City Mobile Force Company (CMFC) checkpoint na naka-base sa Barangay Inagawan alas-kwatro ng madaling araw kahapon at doon nadiskubre ang mga kahoy na Ipil na walang kaukulang permit.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Aabot sa 132 board feet ang nakumpiskang Ipil lumbers at pitong (7) piraso ng panel door na may 273 board feet, ayon sa DENR CENRO.

Samantala, nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Presidential Decree (705) Revised Forestry Code of the Philippines.