PALECO, namumuro na sa Sangguniang Panlalawigan dahil sa madalas na brownout

Ikinadismaya ni Palawan Board member 1st District Juan Antonio Alvarez ang madalas na brownout sa norte at iba pang panig ng probinsa.

Ayon sa lokal na mambabatas, nakaraang Linggo pa nakakaranas ng power outages sa norte partikular sa bayan ng El Nido kumpara sa lungsod ng Puerto Princesa.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Imbis raw na makapag-relax ang mga turista ay na-stress pa dahil sa schedule na load shedding ng kooperatiba kung saan nagkakaroon ng rotational bronwouts.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Bunsod nito, pinangangambahan ni Alvarez na maapektuhan ang sektor ng turismo sa El Nido kapag nagtuloy-tuloy ang problema sa elektrisidad.

Samantala, inimbetahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang pamunuan ng Paleco para muling magpaliwanag sa usapin ng kuryente.