Lalaki, sinaksak sa bayan ng Narra- sugatan!

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin bandang alas-syete kagabi sa Barangay Burirao sa Narra, Palawan.

Ang biktima ay si Jessie Taleon Camelo, 39 taong gulang, may asawa at ang suspek ay si Ryan Daquel Dalmacio, a.k.a“Jan-Jan”, 32 taong gulang, binata, magsasaka, na mga kapwa residente sa lugar.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ayon sa PNP, pumunta ang biktima at ang suspek sa bahay ng kanilang mga kaanak para ipagdiwang ang kanilang tradisyon na tinatawag na “paligo’.

Nang mapagpasyahan ng biktima na umuwi bigla itong sinaksak sa tiyan ng suspek sa hindi malamang dahilan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ang biktima ay agad na dinala ng mga tauhan ng Narra MDDRMO sa pagamutan.

Samantala, mabilis na naaresto ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Narra ngunit hindi naglabas ng ulat ang pulisya sa kung ano ang motibo sa pananaksak.