DICT: Hindi ilegal ang paniningil ng SIM registration fee ng mga retail outlets

Nilinaw ng Department of Information and Communication Technology, na ang mga retail outlets na maniningil sa mga customers para sa pagpaparehistro ng kanilang SIM cards ay hindi paglabag sa anumang batas.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Paliwanag ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ito ay “private transaction” lang sa pagitan ng seller at SIM card user, na humingi ng tulong mula sa indibidwal sa pagpaparehistro ng kanilang SIM.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Inihalimbawa ni Uy ang naturang transaksyon sa pay phones sa mga tindahan.

Ang pahayag ng DICT chief ay matapos aprubahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalawig sa SIM registration period matapos ang April 26 deadline. //MHEL PACIA-TRINIDAD