Kabuuang 736 na DOLE Tupad Workers sa bayan ng Labo Camarines Norte, nakatanggap na ng payout

CAMARINES NORTE- Nakatanggap na ng payout ang kabuuang 736 na DOLE Tupad Workers sa bayan ng Labo Camarines Norte

Naganap yan noong ika-24 ng abril taong kasalukuyan sa apat na barangay sa nasabing bayan. Kabilang d’yan ay ang Tulay Na Lupa, Submakin, San Antonio at Exciban

Read More:  Passenger van catches fire along Davao-Bukidnon Road in Davao City

Ang DOLE Tupad ay programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nagkakahalagang tig-P3,650 ang natanggap ng bawat isa kapalit ng kanilang 10 araw na pagtratrabaho sa kanilang barangay sa pamamagitan ng “community service work”.

Read More:  ₱8.8M cigarettes without Graphic Health Warning seized, 3 Arrested

Samantala, nakahanay na rin sa mga susunod na araw ang para naman sa mga bayan ng Jose Panganiban, Paracale, Capalonga, Sta. Elena at bayan ng Labo.