CAMARINES NORTE- Itinurn-over ng isang Non-Government Organization ang isang proyektong dormitoryo sa isang paaralan sa Bayan ng Labo
Naganap ang Blessing at Turn Over Ceremony sa Tulay na Lupa National High School noong April 25, 2023.
Dinaluhan ito ng mismong Founder ng NGO na Angat Buhay na si Atty. Leni Robredo na s’ya ring Former Vice President ng Pilipinas kasama ang ilang kinatawan ng lalawigan ng Camarines Norte.
Isa umano sa layunin ng NGO na makamit ang accessible at inclusive na kalidad ng edukasyon para sa bawat batang Pilipino habang isinusulong ang pagmamahal sa pag-aaral at tinitiyak na sila ay may kasanayan at kagamitan para sa trabaho.
Layunin din nito na magbigay ng mga pasilidad upang matiyak ang epektibong paghahatid ng pag-aaral sa mga rural at urban poor areas.
