Isang binata, inireklamo ng rape sa 7 anyos na bata sa Puerto Princesa

Kulong na ang isang 30 anyos na lalaki matapos siyang ireklamo ng panghahalay di umano sa pitong (7) taong gulang na na bata sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa.

Ayon sa Police Station 2, inireklamo ang suspek na alyas Gusion sa barangay nitong Lunes ng gabi, April 17, 2023.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Nagreklamo ang biktima sa ina nito matapos na makaranas di umano ng pang-aabuso sa suspek kagabi sa kanilang tinitirhan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Police Station 2 kaya naaresto ang suspek na todo-tanggi sa alegasyon.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na isinasailalim na sa inquest proceeding habang hinihintay ang medical report ng bata.