CAMARINES NORTE- Isasara ang ibat-ibang kalsada sa bayan ng Daet Camarines Norte sa ibat-ibang araw para sa pagdiriwang ng ika-103 anibersaryo ng pagkatatag ng lalawigan ng camarines norte at ika-19 na bantayog festival
Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 18-2023, na Inilabas ni Mayor Benito S. Ochoa noong ika-14 ng Abril taong kasalukuyan
Base sa executive ordert, hiniling ng Tourism Officer, na si G. Mariano “Bong” E. Palma, sa Local Government Unit ng Daet ang pagsasara ng iba’t ibang kalsada sa munisipyo upang magamit bilang venue ng iba’t ibang
mga aktibidad alinsunod sa taunang pagdiriwang ng Bantayog Festival at Foundation Day ng Lalawigan ng Camarines Norte mula ika-9″ ng Abril 2023 hanggang ika-6 ng Mayo
Ilan sa mga kaganapan dyan ay ang Grand Opening Fellowship Parade at Bayle sa Kalye na gaganapin sa 17 Abril, 1st Bantayog CAT/DLC Military Parade and Drill Competition na gaganapin sa ika-21 hanggang ika-22 ng Abril , Kaya, isasara ang mga kalsadang F. Pimentel A venue sa harap ng Provincial Capitol Grounds alas 7 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali
Para naman sa Grand Festival Parade at Street Dancing Competition na gaganapin sa ika-1 ng mayo, isasara ang kalsada alas dos hanggang alas 8 ng gabi sa Vinzons Avenue, at J. Lukban Street,
Ang hakbang umano na ito ng lokal na pamahalaan ay upang matiyak ang kaayusan at kaginhawahan ng publiko gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang saksihan ang Fellowship Parade na isa sa mga highlight ng nasabing Bantayog Festival.
