Pamilyang mayroong 5 miyembro sa Camarines Norte mangangailangan ng P27, 571 para matugunan ang food at non- food needs

CAMARINES NORTE- Mangangailangan ng P27,571 ang pamilyang Cam Norteño na may limang miyembro para matugunan ang pagkain at iba pang pangangailangan.

Ang datos na ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay as of 2021.

Kumpara noong 2015, ang bawat pamilyang Cam Norteño na may limang miyembro ay nangangailangang ng P23,940 at 25,051 noong 2018.

Kapag bumaba sa naturang halaga ng kinikita ay ikinukunsiderang “poor” ang pamilya batay sa Annual Per Capita Poverty Threshold.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang classification lang na ginamit sa naturang table ay “poor” at non “poor” at hindi rin gumamit ng salitang “rich.”

Kung pagbabatayan ang naturang datos, nangangahulugan ito na hindi na talaga sapat ang kita lalo na ng mga karaniwang manggagagawa na minimum wage earners o mas mababa pa.

Ito’y lalo pa’t mas mabilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa panahon ngayon.

Bagamat bahagyang bumagal ang inflation sa Camarines Norte noong Marso sa antas na 8.6 % kumpara sa 9.3 % noong Pebrero, mataas pa rin itong maituturing.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa katunayan  pinakamabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Norte kumpara sa ibang lalawigan sa Bicol.

Mababatid na ang nagpataas ng inflation noong Pebrero ay dahil sa mahal na restaurants and accommodation services, renta sa bahay, bayad sa tubig at kuryente gayundin sa petrolyo.

Kapag mataas ang inflation ay lalong lumiliit ang halaga ng pera at gagastos ng mas malaki ang mga tao para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.