Senate panel, inimbitahan ang ICC na harapin ang imbestigasyon kaugnay sa Duterte drug war

Inimbitahan ng Senate Justice and Human Rights Committee ang International Criminal Court (ICC) sa pagdinig nito sa isang resolusyon ng Senado na tumututol sa imbestigasyon ng ICC sa kontrobersyal na drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Ayon kay Senator Francis Tolentino, hindi pa sumasagot ang ICC sa imbitasyon sa komite ng Senado.

Ang imbitasyon, ayon kay Tolentino, ay ipinaabot kay ICC chief prosecutor Karim Khan.

Read More:  Lacson says Cayetano should not interfere in VP choice

May ipinadala rin aniya na imbitasyon kay dating pangulong Duterte ngunit katulad nito, wala pang natatanggap na tugon ang komite.

Nauna rito, naghain ng resolusyon ang ilang senador na humihiling sa Senado na ipagtanggol si Duterte sa imbestigasyon ng ICC.//CA