Mahigit 20 na motorista, tiniketan ng LTO Palawan

Pinagmulta ng Land Transportation Office- Palawan ang mahigit dalawampu na motorista dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Ayon kay LTO Palawan Spokesperson Albert Acosta, umabot sa 24 na motorista ang tiniketan nila nang sila’y magsita kanina sa bahagi ng Sicsican National Highway.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang mga tiniketan ay mga driver at sakay na walang seatbelt, may depektibong parte o piyesa ng sasakyan, expired na rehistro ng unit, plate violation, walang lisensya at mga walang OR/ CR.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Katuwang ng LTO Palawan ang PNP Highway Patrol Group sa pagsita at panghuhuli ng mga pasaway motorista