Dalawang karagdagang reklamo sa mga suspek sa Salilig case submitted for resolution na ng DOJ

Submitted for resolution na ng Department of Justice ang dalawang karagdagang reklamo laban sa mga suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig.

Ito ang kinumpirma ng legal counsel ng isa sa mga respondents na si Atty. Fernando Perito.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Noong Marso, kinasuhan ng DOJ ang mga Tau Gamma members na sina Earl Anthony Romero, Jerome Balot, Sandro Victorino, Michael Lambert Ricalde, Mark Pedrosa, master initiator Daniel Perry, at grand triskelion Tung Cheng Teng ng paglabag sa Anti-Hazing Law of 2018.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Salilig na nakabaon sa mababaw na hukay sa Imus, Cavite noong February 28, sampung araw matapos siyang maiulat na nawawala.