2 pulis sa Central Luzon ni-relieved matapos mahuling gumagamit ng cellphone habang nasa duty

Ni-relieved at inilipat sa ibang police unit ang dalawang pulis sa Central Luzon matapos umanong mahuli ni Police Regional Office 3 Dir. PBGen. Jose Hidalgo Jr na gumagamit ng cellphone habang nasa duty sakay ng patrol car.

Sa pahayag na inilabas ng PRO3, nakita umano ng director sa area ng Angeles City ang patrol car kaya hinanap nito ang mga sakay para personal na purihin subalit nakita ang dalawang hindi pinangalanang pulis na abala sa paggamit ng cellphone habang nasa loob ng sasakyan at hindi namalayan ang kanyang presensya.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Agad na ipinag-utos ni Hidalgo ang pagsibak sa pwesto sa mga ito at pinaalalahanan ang mga kapulisan na sumunod sa direktibang iwasan ang paggamit cellular phones at pagtulog habang nasa trabaho.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, malilipat sa ibang assignment o masisibak sa pwesto ang sinumang mahuhuling hindi susunod sa kautusan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO