18 na barangay sa Roxas Palawan, drug cleared na- PNP

Drug cleared na ang labingwalo (18) na mga barangay sa Roxasn Palawan ngayong taon, ayon sa Roxas PNP.

Sa datos ng Roxas PNP, kabilang dito ang Apat na barangay sa Poblacion ng Roxas, Barangay Magara, Barangay Mendoza at iba pa.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ito umano ay matapos na makapasa ang mga barangay sa mga pamantayan ng Pambansang pulisya bago ideklarang Drug Cleared.

Kaugnay nito, ipinagmamalaki ng pulisya ang matagumpay na mga drugs operation na nagresulta sa pagkakahuli ng mga drugs suspect kung saan ang iba ang nakakulong na ngayon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, pina-iigting pa ng Roxas Municipal Police Station ang kampanya at programa para labanan ang ilegal na droga sa bawat sulok ng munisipyo sa pangunguna ni PMAJ. Analyn Palma.