Isang PWD, patay sa nangyaring sunog sa Brgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa

Patay ang isang ginang sa nangyaring sunog mag-a-alas dos ng umaga ngayong Martes, ika- 11 ng Abril 2023.

Nangyari ang trahedya sa Purok Matahimik Brgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa City.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ang nasawi matapos na hindi umano makalabas ng tahanan ay kinilala ng mga awtoridad na si Mary Grace Fuentes, 33 anyos na isa umanong Person with Disability (PWD), ayon kay Kgd. Jonathan Rasimo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kasalukuyan naman nag-iimbestiga ang Bureau of Fire sa pinangyarihan.