MDRRMO-Daet patuloy na nagsasagawa ng Information Campaign at Monitoring sa bagasbas beach para sa kaligtasan ng mga beachgoers

CAMARINES NORTE- Patuloy na nagsasagawa ng Information Campaign at monitoring ang MDRRMO-DAET sa bagasbas beach upang matiyak ang kaligtasan ng mga Beachgoers

Inaasahan kasi ng MDRRMO-DAET na sa kabila ng pagtatapos ng Semana Santa kahapon, ay marami pa ring mga turista ang pupunta at maliligo sa lugar. Ito ay sa kabila ng mga insidente ng mga namatay sa pagkalunod kamakailan sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Isa na dyan ang pagkalunod ng isang 21 anyos na babae mula sa bayan ng Daet habang naliligo sa Bagasbas beach noong Biyernes Santo. Nadala pa umano ito sa CNPH pero ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Matatandaang sa panayam ng Brigada News FM-Daet kay MDRRMO officer Santiago Mella noong ika-3 ng Abril, nagpaalala ito na bantayan ang mga kasama kung pupunta sa mataong lugar kagaya ng bagasbas beach. May mga signages din umano sa lugar upang maiwasan ng mga turista ang delikadong parte ng dagat.