Presyo ng Tilapia sa Buhi, Camarines Sur, posibleng tumaas ngayong Semana Santa

NAGA CITY – Sapat ang supply ng Tilapia ngunit posibleng tumaas ang presyo ngayong Semana Santa sa Buhi, Camarines Sur.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Mark Nazarrea, Information Officer ng LGU Buhi.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Aniya, malaki pa rin kasi ang naging epekto ng fish kill noon at ilang araw ring nakaranas ng pag-uulan sa bayan na nagiging dahilan ng mababang produksyon nito.

Bagamat sapat ang supply sa bayan, kulang naman ito para sa mga merkado sa lalawigan at sa Naga City lalo na’t nasa 45-50% lamang ang produksyon nito at hindi pa 100%.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Sa kasalukuyan nasa P145.00 – P160.00 ang presyo nito at posibleng tumaas ngayong Biyernes Santo na mataas ang demand ng isda.