City PNP tiniyak ang 24/7 na serbisyo ngayong Semana Santa

Bukod sa pinaigting na police visibility at pagpapatrolya ay 24/7 na magbibigay serbisyo ang hanay ng Pulisya sa lungsod ng Sorsogon kaugnay ng selebrasyon ng Semana Santa.

Ayon kay PCpt Lyn David ng Sorsogon City Police Station, katunayan ay 85% umano ng kanilang mga tauhan ay nasa labas para sa pagbabantay at upang makapagbigay ng kaukulang aksyon sa anumang sitwasyon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya pa, kasalukuyan din na aktibo ang kanilang mga Police Assistance Desk na nasa junction ng Barangay Pangpang, Barangay Cabid-an gayundin sa Distrito ng Bacon bukod pa sa kanilang Motorists Assistance Desk upang magbigay ng asistensya hindi lamang sa mga motorista kundi sa lahat at bilang antisipasyon na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista at mga biyahero sa mga susunod na araw.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bahagi din umano ito ng kanilang mga preventive measures upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa lahat ng pagkakataon batay na rin sa derektiba ng Chief PNP na makamit ang zero casualty ngayong Semana Santa.

Pagtitiyak din ni David ang kanilang mga hotline ay laging bukas para sa pangangailangan ng asistensta ng publiko.