Apat na bagong EDCA sites, pinangalanan ng Malacañang

Inanunsyo ng Malacañang  ang apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ka ikinokonsidera bilang suitable at mutually beneficial.

kabilang sa apat na lokasyon na ininspeksyon ng Armed Forces of the Philippines ay ang  Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan, Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, magagamit ang nasabing lokasyon para sa humanitarian at relief operations sa panahon ng emergency at natural disasters.

Read More:  Power rates expected to rise in August as NGCP transmission charges jump 22.22%

Matatandaang, pinagkalooban ni Pangulong Marcos noong Pebrero ang US troops ng access sa apat pang Philippine military camps maliban pa sa limang umiiral na lokasyon sa ilalim ng EDCA.//CA