MGa pulis, hinahanap na ang nagtapon ng bangkay ng batang babae sa ilog ng Olongapo

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga responsable sa pagtatapon sa katawan ng isang batang babae sa ilog ng barangay Kalaklan sa Olongapo.

Ito ay para masampahan ng kaso matapos ang ginawang pagbalot sa puting tela, pagsilid sa isang travelling bag at pagtapon sa bangkay ng bata.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon kay Olongapo Station 1 Commander Pmaj.Exodus Rodriguez, isang mangingisda ang nakakita sa isang bag noong umaga ng Biyernes at nang buksan ito ay laking gulat na batang may edad lima hanggang animna taong gulang ang laman.

Wala namang nakitang external injury sa katawan ng bata pero pinili pa rin ng mga pulis na ipa-autopsy ang bangkay para matiyak kung ano ang dahilan ng kamatayan nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Tiniyak naman ni Rodriguez na may pananagutan sa batas kung sino man ang responsable sa dito.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO