Marami sa mga nasugatan sa banggaan ng bus at jeepney sa Olongapo, nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng pagamutan ang labing anim na nasugatan sa nangyaring banggaan sa pagitan ng isang pagitan ng pampasaherong jeepney at bus sa Olongapo.

Ito ay makaraang ang ilang oras na gamutan bago pinayagang magpagaling sa labas ng james gordon memorial hospital

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Ayon kay Olongapo Police Traffic Investigation Unit Chief Pltc.Cris Cordero, maliban sa mga nakalabas na ay mayroon pang anim na naka-confine sa James L. Gordon Memorial Hospital matapos magtamo ng mas malalang sugat dahil sa banggaan.

Matatandaan, pasado alas diyes ng umaga kahapoon nang magkarambola ang limang sasakyan sa national highway ng Brgy.Barretto at nasugatan ang higit dalawampung pasahero ng jeep.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Base sa imbistigasyon, mabilis ang takbo ng bus na pagmamay-ari ng victory liner kaya sumalpok ito sa sinusundan, katabi at kasalubong na sasakyan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO