PSO nakipag-ugnayan na sa mga parokya kaugnay ng Semana Santa

NAGA CITY – Sa susunod ng Linggo mangyayari na muli ang mga programa at aktibidad para sa taunang pag obserba ng Semana Santa o Holy Week kaya asahan na ang pagkakaroon na naman ng mga re-routing at pagsasara ng mga kalsada sa lungsod.

Ang mga aktibidad na ito ng mga simbahan sa lungsod ang inaalam na ngayon ng opisina ni Renne Gumba, head ng Public Safety Office sa layuning maayos na ang schedule sa deployment ng mga personahe nila.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Tiyak aniyang may mga kalsadang isasara para sa prusisyon mula sa araw ng Miyerkules hanggang sa Biyernes Santo.

Partikular na maraming bisita ay ang Basilica Minore na siyang kinaroroonan ng imahe ni Inang Penafrancia, gayun din ang Penafrancia Shrine, ang Metropolitan Cathedral, San Francisco Church at ang Holy Cross Parish sa Barangay Tabuco na kinaroronan din ng Black Nazarene.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Katulong sila ng mga personahe ng Naga City Police Office sa pagpapanatili ng peace and order.