77.88% target ng PhilPEN sa Camarines Sur,  naabot na

NAGA CITY- 77.88% na ng target sa Mass Philippine Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions (PhilPEN) Risk Assessment Activity ang naabot na sa Camarines Sur ilang araw bago magtapos sa Marso 31, 2023.

Ito ay ayon kay Dr. Rey Millena ng Department of Health Camarines Sur as of March 29.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Sa datus ng DOH Bicol, aabot sa 821, 035 nag e-edad 20 pataas sa Camarines Sur ang target ma risk assess;  ini-screen kung ano ang risk sa Non-communicable disease (NCD) tulad ng cardiovascular disease, hypertension , diabetes at iba pa.

Hindi pa man naabot ang 100% naniniwala si Millena na matagumpay na ang aktibidad dahil marami na ang naabisuhan na baguhin ang lifestyle base sa kanilang kondisyon at maabisuhan na magpagamot na kung kinakailangan na.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Sa ilang barangay na nakumusta ng BNFM, marami ang nakitang malapit na sa Hypertension, sobra sa timbang at iba pa. Ayon kay Millena, 7 sa sampung 10 mga leading cause of deaths o rason ng pagkamatay dahil sa sakit ay non-communicable diseases.