COMELEC Legazpi, may paglilinaw tungkol sa deactivation ng registration status

LEGAZPI CITY – Binigyang-kasagutan at paglilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) Legazpi ang tanong ng ilan sa mga residente patungkol sa deactivation ng registration status ng isang botante.

Pahayag ni COMELEC Legazpi Election Officer, Atty. Connie del Castillo sa Brigada News FM Legazpi, nagaganap ang deactivation kung ang isang botante ay hindi nakapagboto sa dalawang magkakasunod na eleksyon, nangangahulugan na pag deactivated ay hindi makakapagboto.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, ang magiging solusyon dito, ay magparehistro kung mayroong on-going na registration upang ma-reactivate ang kanilang status.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kaya lamang sa ngayon, kung mayroon umanong nagnanais o nagbabalak na magpa-reactivate ng kanilang status ay maghintay na lamang sila sa susunod na voter registration sapagkat nagtapos na ang pagpaparehistro noong Enero 31.