DOT Bicol, naglabas ng abiso tungkol sa mga non-accredited travel and tour agencies sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Naglabas ang Department of Tourism (DOT) Bicol ng abiso na nagpapaalam sa publiko na magsagawa lamang ng mga transaksyon sa mga accommodation establishments, travel and tour agencies, tour guides at iba pang negosyo sa turismo na accredited ng ahensya.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Ayon sa DOT Bicol, ang accreditation ay isang sertipikasyon o patunay na ang isang tourism business ay kumikilala at sumusunod sa quality standards na ipinatutupad ng ahensy.

Ito ay upang matiyak na ang mga turista ay magkaroon ng maganda at maayos na pananatili o paglalakbay at makatanggap ng kalidad na serbisyo sa kanilang piling destinasyon.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Samantala, ayon din sa ahensya, ang mga tourism businesses na DOT-accredited ay maroon mga official websites na nagbibigay-impomasyon na mayroong opsiyal na selyo ng ahensya kalakip ang accreditation number at bisa nito.