‘Heat Island Effect’ ibinabala ng Pag-asa sa mga urbanized areas ngayong tag-init

SORSOGON CITY—Muling nagpaalala ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) laban sa labis na init na maaaring maranasan sa mga lugar sa urbanized areas o ang tinatawag na ‘heat island effect’.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Ariel Zamudio ng Pagasa-Dost Legazpi sinabi nito na magkaiba ang init factor na maaaring maranasan sa isang lugar depende sa topograpiya nito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ibig sabihin, ang mga bulubunduking lugar ay maaaring makaranas ng mas mababang heat index kumpara sa mga nasa sentro.

Ang mga gusali at iba pang istrukturang bunga ng urbanisasyon ay nakakadagdag sa init factor na maaaring maranasan ng mga tao.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa lalawigan ng Sorsogon, bagamat mas maraming lugar ang hindi pa gaanong urbanized pero ipinapayo pa rin ang ibayong pag-iingat sa mga posibleng maging epekto ng mainit na panahon.

Nauna rito ay inihayag ng Pagasa na nararanasan ngayong lingo ang init factor sa lalawigan na nasa “extreme caution” o nasa pagitan ng 33-41 degrees Celsius.