DepEd ibabalik na ang cash allowance sa mga atleta batay na rin sa kautusan ng Gobernador

NAGA CITY- Ibabalik na ng Department of Education sa mga atleta at coaches ang cash na iniabot ng Provincial Government bilang suporta sa mga manlalaro na mag rerepresenta sa lalawigan sa gaganaping Palarong Bicol 2023 sa Abril.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Peter Pelonio Chief ng Schools Governance and Operation Division ng DepEd Camarines Sur, pero hindi na aniya siya otorisadong magbigay ng pahayag ukol sa magiging proseso nito, magpapalabas aniya ng opisyal na pahayag ang DepEd Camarines Sur , ang sinisikap nila ay maibalik ito ngayong araw.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Mababatid na kagabi nagpalabas ng opisyal na pahayag si Governor Luigi Villafuerte, nakasaad na ikinalulungkot niya ang pangyayari matapos na ibigay ang pera noong Marso 21, 2023 ay may nangukolekta. Aniya ang layunin ng pagbibigay ng cash ay  matulungan ang mga atleta sa gastusin sa pagkain habang sumasailalim sa dalawang linggong concentration training.

Ayong kay Villafuerte, kinausap niya na si SDS Loida Nidea upang ayusin ang naging problema. Kailangan maibalik sa mga atleta ang “full amount”.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Matatandaan na ipinaabot sa BNFM Naga ang pangyayari at mayroon ding post sa social media na matapos ibigay ng kapitolyo ang P9K ay kinuha ng DepEd. Una nang sinabi sa BNFM ni Pelonio na ito gagamitin sa meal allowance , upang maging maayos ang pagkain hindi kung anu-ano lang. Hindi na kasi aniya umabot ang bidding para rito.

Umaasa ang Gobernador na kapag naibalik na ang pera  matutuldukan na ang problema at makakapag concentrate  sa ensayo ang mga atleta.