Northern barangay ng Legazpi City, planong lagyan ng fire sub-station ng LGU

LEAGAZPI CITY – Planong lagyan ng lokal na pamahalaan ng Legazpi City ng fire sub-station ang hilagang bahagi ng siyudad partikular na sa Brgy. Rawis.

Ayon kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, malaking bagay na malagyan ang lugar ng nasabing pasilidad upang mas mapalakas at mas mapabilis pa ang pagtugon sa bawat bahagi ng nasabing siyudad.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Dagdag pa niya, plano rin nila na mas madagdagan pa ang bilang ng mga fire trucks, ngunit ang pondo nila ay sapat lamang para sa isa, kaya nanawagan siya sa national government matulungan sila na matupad ang kanilang hangarin.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Sa kabuuang bilang, mayroon nang tatlong fire sub-station sa nasabing siyudad. | MARK ANDREW PORTUGAL