Magsayo bigo sa kanyang kampanya para makuha ang WBC interim featherweight title vs. Figueroa

Bigo si Pinoy boxer Mark Magsayo sa kaniyang kampanya para makuha ang WBC interim featherweight title kontra Brandon Figueroa sa kanilang sagupaan sa Toyota Arena sa Ontario, California kahapon.

Tinalo siya ni Figueroa via unanimous decision.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25

Nagpakawala ng mga solidong suntok si Magsayo sa unang bahagi ng laban ngunit ipinamalas ng Mexican fighter ang kanyang pressure style hanggang sa pagtatapos ng laban para makuha ang panalo.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Si Figueroa ay mayroon na ngayong 24-1-1, na may 18 knockouts at may karapatan nang harapin ang “regular” featherweight titlist ng WBC na si Vargas. Si Magsayo naman ay bumagsak sa 24-2 na may 16 KOs.//CA