PBBM umaaasa na magpapatuloy ang suporta ng ng Malaysia sa PH para makatulong sa tagumpay ng peace process sa bansa

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno ng Malaysia sa Pilipinas para makatulong sa patuloy na tagumpay ng peace process.

Sa joint press briefing kasunod ng bilateral meeting ni Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim  kahapon, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ng Malaysia sa prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sinabi ng Pangulo na ang sustainable at inclusive peace sa Mindanao ay isang culmination ng pagsisikap at sinseridad ng lahat ng partido.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Samantala, tiniyak naman ni Malaysian PM Ibrahim na Makakaasa ng patuloy na suporta ang Pilipinas sa gobyerno ng Malaysia kaugnay sa isinusulong na kapayapaan sa Mindanao.//CA