14 na laptop na ninakaw sa isang computer laboratory, narekober na; mga suspek, nahaharap na sa asunto

BNFM-Sorsogon Exclusive

Nahaharap na sa kasong robbery ang dalawang notoryus na magnanakaw na nanloob sa isang computer laboratory sa lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang mga ito na sina Jomar Tabo Magracia, 24-anyos, binata, welder, residente ng Purok 1, Brgy Balogo at Ruel Raborde Dichoso, 18-anyos, binata, walang trabaho at naninirahan sa Brgy Bibincahan, Sorsogon City.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang dalawa ay una nang nahuli noong Pebrero 8 sa pagnanakaw ng dalawang laptop sa Research and Development Office ng Sorsogon State University.

Sa isinagawang interogasyon sa mga suspek, inamin ng mga ito na maliban sa dalawang laptop, ay may una na silang ninakaw na 14 pa na laptop sa isang computer laboratory sa parehong lugar. Isinilid umano nila ito sa sako at isa-isang ibinenta sa ibat-ibang tao.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Bunsod nito, agad na umaksyon ang mga tauhan ng Sorsogon City Police Station at isa-isang pinuntahan ang pinagbentahan ng mga laptop.

Narekober naman agad ang 14 na laptop na nagkakahalaga ng P36, 799 bawat isa o kabuuang P515, 186.00.