Sen. Alan Cayetano, suportado ang pakikilahok ng Pilipinas sa RCEP

Nagpahayag ng kanyang buong suporta si Sen. Alan Peter Cayetano para sa pakikilahok ng bansa sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at sinabing “very good” at “very important” agreement umano ito.

Ayon kay Cayetano, na bawat may ganuong kasunduan, sigurado umanong benepisyo, pero may naiiwan na mga usapin, kaya ang mga naiiwan ay naghahabol kalaunan.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Dahil dito, kailangan umanong samantalahin na si Senate President Juan Miguel Zubiri at si Senate Pro-Tempore Loren Legarda mismo ang nagsusulong sa RCEP, ganoon din ang buong Executive Department.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Kaugnay nito, dapat maisabay din na maipasa ang safety net at capacity-building para dito.

Mababatid na sa ilalim ng RCEP, pinahihintulutan ang pagluluwag ng trade restrictions at inaatasan ang mga signatory countries na babaan o tanggalin ang kanilang buwis sa traded goods, services, investments, at e-commerce.