DOH: Palawan na lang may kaso ng malaria hanggang ngayon

Ikinalungkot ng Department of Health na ang Palawan na lang ang hanggang ngayon ay may kaso pa rin ng Malaria mula sa 81 probinsya sa bansa.

Ayon kay Regional Malaria Program Manager/ Exec. Assistant Oscar Macam Jr., hanggang nitong December 2022 ay mayroong 2,999 malaria case ang lalawigan ng Palawan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa naturang bilang, 95% dito ay mga indigenous people ang mga nagkaroon ng sakit na Malaria.

Ang mga kaso ay nagmula sa mga bayan ng Rizal, Bataraza, Sofronio Española, Quezon, Balabac at Brookes Poin.

May limang klase ng lamok sa Palawan na siyang nagdadala ng sakit na Malaria na wala sa ibang probinsya kabilang ang infected female Anopheles mosquitos.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang dahilan umano ng mataas na kasong ito ay ang geographic location ng lalawigan kung saan malawak ang kagubatan kung saan naninirahan ang mga lamok.

Gayunpaman, sa taong 2025 ay tinatarget ng Kagawaran na maging Malaria- Free na ang Palawan.