Bahay mula sa NHA, bawal ibenta

Binigyang diin ng pamunuan ng National Housing Authority (NHA) Sorsogon na hindi maaaring ibenta ng mga benepisyaryo ang bahay na ipinagkaloob sa kanila ng ahensya.

Sa panayam ng Brigada News kay NHA Sorsogon District 3 head Rolando Ramos, sinabi nito na ang nasabing bagay ay kanilang mahigpit na ipinagbabawal.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Babala nito sa mga resipiyente ng kanilang housing project na nagbabalak ibenta ang kanilang bahay,  maaaring matanggal ang mga ito bilang benepisyaryo ng kanilang programa at posibleng hindi na rin makaka-avail pa ng iba pang mga proyekto ng pamahalaan.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized