AFP nananatiling mataas ang morale sa kabila ng pagkaantala sa promosyon ng ilan sa mga opisyal nito

Nanatiling mataas ang morale ng Armed Forces of the Philippines sa kabila ng pagkaantala sa promosyon at pagtatalaga ng ilan sa mga opisyal nito.

Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., nagkaroon ng delay sa promosyon dahil nagkaroon ng transition dahil sa election ban at transition ng Marcos Administration.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Idinagdag ni Galvez na ang issue ay natugunan mahigit isang linggo na ang nakalipas nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang halos lahat ng mga nakabinbing promosyon bago umalis patungong Davos, Switzerland.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Bagamat may mga pending designations pa , masaya umano sila na pinirmahan ng Presidente  ang halos lahat ng mga dokumento.//CA