Halos kalahating milyong ektarya ng lupa, nakatakdang ipamahagi sa mga magsasaka

Inaasahang ipamamahagi ng gobyerno sa mga kwalipikadong magsasaka ng bansa ang 437,922 ektaryang lupang pang-agrikultura na may 146,860 Collective Certificate of Land Ownership Award (CCLOAs).

Ang naturang pamamahagi ay bunga ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) project ng Department of Agrarian Reform.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ang SPLIT ang isa sa mga pangunahing programa ng Marcos administration kung saan hinati nang pantay-pantay ang lupang maaaring pagsakahan na pag-aari ng gobyerno.

Ibinahagi naman ng mga field implemeters na hindi naging madali ang naging proseso ng paghahati ng lupa para maging indibidwal na lote.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Samantala, ayon kay DAR Assistant Secretary for Field Operations and SPLIT project national director Engr. Joey Sumatra, kailangan ding lutasin ang iba pang isyu gaya na lamang ng isyu sa pagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)-covered farmlands, maging ang ancestral lands ng mga katutubo.
#