DMW, tiniyak ang koordinasyon sa KSA officials para makuha ang unpaid OFW salaries

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa Kingdom of Saudi Arabia kaugnay sa issue ng mga overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Mababatid na hindi pa natatanggap ng mga OFWs ang kanilang mga sahod at benepisyo mula sa kanilang mga nagsarang kumpanya sa naturang bansa.

Read More:  PhilSA: Mayon ash fall affects over 1,000 hectares of farmland

Ngayong araw, nakipagdayalogo ang DMW sa mga OFWs na nabiktima sa Saudi Arabia upang tugunan ang problemang kanilang kinahaharap.

Dito, idinulog ng ating mga kababayan ang umano’y kawalan ng claim number kahit naka-register na sila sa website.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Ayon pa sa mga ito, nababahala sila na kahit kumpleto na ang requirements na kanilang ipinasa, baka hindi ito kilalanin.

Samantala, hinihintay pa ng ahensya ang pinal na petsa ng pagpunta sa Saudi Arabia.
#