Hardinero, patay matapos mabundol ng sasakyan sa Guinobatan, Albay

Binawian ng buhay ang isang hardinero matapos itong mabundol ng isang sasakyan sa Purok 5, Lower Binogsacan bayan ng Guinobatan, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Armando Arepintido Navia, 54 anyos na residente ng Brgy. Cabraran Pequeno, Camalig habang kinilala naman ang suspek na driver na si alyas “Kevin”, 22 anyos, government employee at residente ng Brgy. San Isidro, Oas, Albay.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Lumabas sa imbestigasyon na habang tumatawid sa pedestrian lane ang biktima sa harap ng barangay hall, aksidente siyang nabangga ng paparating na sasakyan na nagmula sa direksyon ng Centro Guinobatan na binabaybay patungo sa Oas, Albay.

Dahil dito, natumba ang biktima sa semento dahilan para magtamo ito ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Dinala ang nasabing biktima sa ospital sa Ligao city para sa medikal na atensyon ngunit binawian din ito ng buhay; habang nasa kustodiya na ngayon ng Guinobatan MPS ang driver at sasakyan para sa kaukulang disposisyon.